Dream * Believe * Survive


Level 16 - Day 85

March 19, 2007




Aljur: Meron ba sa inyo na gustong siraan ang pangalan ko para mapag-usapan siya? Gusto ko sanang ibato ang question na yun kay Mart.
Mart: Di ba parang lumayo na ko sa inyong dalawa (ni Kris) para mawala na yung napag-uusapan.
Aljur: Kasi yung pagkakasabi mo na sinabihan kita ng ahas. Wala akong maalala ni sinabi ko sa iyo yun.
Mart: Nakalimutan mo? Pero kasi nasa harap mo ako nun e. Tapos hindi lang yun ang sinabi mo, pero hindi ko na lang sinabi yung iba pa.
Aljur: Ano pa yung sinabi kong iba?
Mart: Ako hindi ko na inaano ‘to ha. Sabi mo yan parang ahas yan. Kunwari lang totoo pero pag nakatalikod iba na.
Aljur: Kasi sa bahay namin, hindi name-mention ang word na “Ahas”. Gusto kong malaman sa iyo kung ginagamit mo lang ang pangalan ko para siraan ako.
Mart: Hindi ako naninira para mapag-usapan.
Aljur: Kaya nga nagtataka ako kung bakit sinabi mo yung ahas. Wala talaga akong sinabing ahas.
Mart: Pero hindi talaga ako ang gumagawa nun.


"Si Mart may pagka-loko. Loko siya eh. Loko-loko yan eh. Kasi may times po na tinutulungan niya ako kunwari tas pagtalikod ko kayakap na niya (Kris). Ahas yun dating."


Ang sagot ni Aljur tungkol sa ni-reveal ni Rich na nagkagusto siya sa kanya:


Aljur: Sa totoo lang naramdaman ko yun e. Kasi may times na lagi tayong nagkikilitian di ba? Tapos alam mo na malakas yung kiliti ko sa tagiliran tapos lagi mo akong kinikiliti.


Finally, Kris Bernal asked the 1 million-peso question (1 million peso kasi ang nakataya dito e):


Kris: Aljur, ginagamit mo lang ba ako para sa Ultimate Loveteam?


Aljur: Wala akong ginagamit para sa Ultimate Loveteam. Ang nakikita ko kasi malakas kami sa loveteam para kasing chance ko rin yun e….
(Jewel: pinapawisan)
Kris: (medyo teary-eyed na) Ano talaga ang gusto mo, Ultimate Hunk o Ultimate Loveteam?
Aljur: Kahit anong titulo, manalo o matalo, ok lang sa akin.
Rich: Naalala mo Aljur na sinabi mo sa akin na gusto mong maging Ultimate Hunk na lang?
Aljur: Kasi papalit-palit ako ng isip e…Kaya ko namang pangatawanan yung dalawang titulo.
Mart: Pero sa lahat ng interview na nababasa ko, sinabi mo na Ultimate Hunk ang gusto mo.
Aljur: Siguro may times na, mga oras na yun, talagang Ultimate Hunk ang gusto ko. Pero ngayon, manalo o matalo, talagang ang gusto kong maka-loveteam ay si Kris.


"'Yung mga sumusuporta sa akin, gusto ko sana na magpasalamat sa inyo. Dahil kung hindi dahil a inyo, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Sana pag-igihan niyo pa. Sana tuluy-tuloy lang po ang suporta niyo dahil malapit na po ang Final Judgment. Sa mga Cabalen kong ka-Pampangan, saka sa mga kababayan kong Batangueno, gusto ko sanang humingi ng suporta sa inyo. Dahil sino pa ba ang malalapitan ko kundi kayo at sino pa ba ang maaasahan ko diba? At hindi lang po sa mga, at hindi lang po sa Pampanga at sa Batanes humihingi ng tulong, kundi sa buong Pilipinas. At asahan niyo po, hindi po masasayang ang boto niyo dahil meron po akong talento at kakayahan na payunayan sa masa."

And Rich also wishes for your support.

No comments: