
February 26, 2007
Kapag kausap mo ang tatlong taong may hawak ng future mo, will you put your best foot forward or would you rather be honest and uprun?
Stef: "Alam ko maraming galit sa akin na mga fans ng iba. Like kay Rainier na dati, yun. Mga issue na yun I didn't really mean to hurt anyone in anyway. At saka hindi ko po sinabi na parang hindi ako interested sa kanya kasi mabait naman siya eh. Hindi pa talaga ako ready sa lovelife na ganun kasi nga I'm concentrated on StarStruck talaga. I never meant to hurt anyone."
Direk Louie: "Sa dinami-dami ng sakit mo, merong totoong sakit na nilalagnat ka nung karaang linggo. Sakit na kalimot during sa mga performances mo, sa mga production numbers at meron ding sakit na late. So anong gamot ang sa tingin mo ang dapat mong inumin para gumaling ka dyan?"
Jewel: "Ako nalang po sa sarili ko ang dapat kong baguhin yun."
LT: "Maraming chismis dati ang lumabas na sa tingin mo, sino kaya ang nagkakalat nung mga yun?"
Jewel: "Wala po talaga akong idea kung sino yung pwedeng magkalat ng mga ganung bagay, pero I'm quite sure na ang mga nagakakalat nun, ayaw nila sa akin."
Kris: "Nag-iimprove po ba ako o wala ba talagang nagyayari?"
Direk Louie: "Ikaw ang Best Actress ko nung nakaraan kaya lang kung hindi ka pa panghawakan ng isang magaling na direktor, hindi pa lalabas yung gusto naming makita. Ang lamya-lamya mo, magpasikat ka sa amin."
Aljur: "Sa mga song numbers, hindi ko po napapakita yung best ko. Parang may limitasyon po. Siguro kung mabibigyan po ako ng mas mahirap na Song number, pag-aaralan ko po talaga."
LT: "Sa palagay mo, mas mamahalin ka ba ng tao kung may ka-loveteam o solo ka lang na sisikat?"
Paulo: "Mas gusto ko pong may ka-loveteam. Pero hindi ko rin po alam eh, hindi ko naman po nababasa isip ng tao."
Direk Louie: "Kung ihaharap ko sa'yo si Stef ngayon sayo, ano ang gagawin mo?"
Prince: "Nag-sorry naman po siya. Hindi lang siguro nawal yung pag-sorry niya. Pero hindi po ako galit sa kanya. Umabot po ako ng Final 8 dahil po sa pagsisikap ko at alam naman po ninyong lahat na wala akong suporta dito sa Manila. Nagsasariling sikap lang po ako."
Rich: "I admit na hindi ko po masyadong inaasikaso yung votes ko po. Hindi po ako masyadong agresibo when it comes to campaigning."
Mart: "Mahina po ako sa singing po. Tas may ibubuga po ako sa dancing."
No comments:
Post a Comment