Dream * Believe * Survive


Level 12 - Day 65


February 20, 2007




Sasabak sa isang matinding drama ang Survivor kasama ang isang Avenger.
Here are the assigned grouping:







Sa likod ng kamera, may kanya-kanyang drama.

Ito ang family drama ni Kris na hindi na ma-take ang intrigang girlfriend siya ni Jesi.


Si Prince naman, middle man?


"..gusto ko siguro ipaalam kay Jesi na iba na talaga ang galit ng Mommy ko."



Prince: "Si Jesi mangiyak-ngiyak."

Kung baga, si Prince ang pinaka-close ni Jesi sa ibang boys kasi kay Prince siya nagsasabi ng problema.



Kris: "..yung parents ko hindi tanggap yung ganun. So mas mahirap sa part ko."


"Hindi naman niya in-explain sa parents niya na wala talagang namamagitan samin."

Sa pag-iwas ni Kris, na-a-out of place na raw si Jesi.


At ang kakampi niya, isa pang na-o-OP.



"..nangyari na sakin yung diba? Kami ni Aljur sana.. ay dati! Kami ni Aljur dati laging magkasama."



OP na sina Stef at Jesi, pero ang 'di nila alam, ang nagkakamabutihan, Nagkakalabuan naman.

"Hindi ko nga rin alam kung gusto niya talaga ako dati eh! Yun nga po, hindi ako naniniwala sa sinasabi niya."


"Hindi ko naman po ginusto na mangyayari 'to. Parang, halos focus lang po ako ako sa StarStruck eh, pero sa mga nangyayari, parang lagi akong pinapipili kugn sino ba sa kanila.

Hmm.. Tragedy kaya ang magiging ending nito?

Ito ang ma-dramang dilema ni Kris sa dating close friend na si Jesi.

"Minsan lang pag mag-isa na ako, gusto ko na siyang lapitan kasi wala na akong kasama."

Ngayon, papasok sa eksena si Aljur, ang dramang ito, baka mauwi sa action!


"Tinanong niya nga po kung kami daw ni Kris. Yung tanong niya po, nakakainsulto. Parang may gusto siyang sabihin sa mga tono ng boses niya."


"Totoo po, tinanong ko po. Medyo nainis na po ako, dahil ka-Loveteam ko po si Kris nun eh, parang nakakasira po ng diskarte."



Abangan ang kahahantungan nila Kris at Aljur. For now, maki-usyoso muna tayo sa romance-drama nina Lizzy, at ang nagtet-take advantage na si Mart.


"..parang nilalambin ko nga lang."


"Conservative type daw po ako, so ayun nga po, hindi po ako sanay makipag-biruan sa mga boys."

Mart's inspiration is Lizzy.
Kumusta naman kaya ang trianggulong Paulo-Jewel-Dex?


"Nung na-eliminate si Dex, medyo nalulungkot ako kasi wala akong masyadong makakausap. So si Paulo, andun siya para i-comfort ako."


"Kaya naging close po sila, kasi si Paulo po ang pumalit sa pwesto ko.."


"..hindi naman akin si Jewel eh."


"Nagka-ilangan lang po.. Kakausapin ko po siya pero hindi na po yung katulad nung dati na close. Syempre nakakahiya naman po kay Paulo."


"Siguro hindi ko rin alam for their to take a step."

Eto pa ang isang romance-drama. Isang lalaking romantiko at isang babaeng nagda-drama.





Jan: "..porket ganun ba, feeling tayo na? Masama bang ma-miss yung boses mo?"


Jan: "Hindi naman po ako siguro magpapa-alam sa Mommy niya kung lolokohin ko lang po siya."

At may ganitong maang-maangan pa:

Jan: "Naka-record pala 'yan!"

This was shot nung Velentine's Day kaya si Jan, may Valentine's gift.

Jesi: "(referring to the flowers) Ngayon lang po ako nakatanggap nito Direk, promise!"


Aminadong prangka, Stef understand that not everyone's going to love her. She's been getting messages accusing her saying not so nice things.


"Pinakita ko sa kanya yung text messages tapos sabi niya wala daw siyang alam tungkol dun."


"Ito narinig ko lang, na yung Tita ko daw nagpapakalat nun saka ako daw yung nagbibigay ng number ni Stef para ibuking daw siya at i-put down. Wala kang ginawang masama pero pinagbibintangan ka nga."


"Ngayon hindi na, mabait na sila. Friends naman kami."

Friends? Pero bakit may isang incident na hindi makalimutan si Prince na Stef supposedly said offensive.


"Kinongratulate niya ako na sabi niya: Ang lakas naman ng loob mong pumasok pa dito"


"Sabi daw nila na sinabi ko daw na patay-gutom si Prince. Hindi po, hindi ko po sinabi yun. Kahit tanungin niyo pa si Rich."


"Sinabi ba yun ni Stef? Hindi ko matandaang sinabi niya yun. May pinagtatawanan po kami, pero joke lang po talaga."


"Tsaka nagtataka lang ako kung bakit si Rich walang ganun, e pareho naman po kaming andun diba?"


"Pagkatapos po nun, si Prince, di na niya ako pinapansin.."


"Nakikita ko sa labas na pinagtatawanan ako nilang lahat."


BUKAS
Ang acting test na pinaghandaan ng Survivors at Avengers.

No comments: